Mataas ang energy level ng direktor na si Wenn Deramas nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first shooting day ng bago niyang pelikula na Pasukob under OctoArts Films. This is the frist time na gumawa siya ng project sa produksiyon na pag-aari ni Orly Ilacad. Reunion movie rin ito nina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto pagkatapos ng Booba (2001).
"Okay na okay ang first shooting day namin. Magaan ang shooting namin at walang hassle. Higit sa lahat, all-out ang support ni Boss Orly sa project," masayang pahayag ni Direk Wenn.
Simula pa lang daw ito ng maraming pelikula na pagsasamahan nila sa OctoArts, ayon na rin kay Boss Orly. May playdate na ang Pasukob on November 28. Pagkatapos nito, may isa pang nakapila agad na project si Direk Wenn sa OctoArts Films.
"Eto ‘yung movie nina Juday [Judy Ann Santos] at Ryan [Agoncillo] na pang-filmfest sana ng Octo. Actually, na-approve ang script namin sa [MMFF] committee, kaya lang may ruling sila na isang movie lang dapat bawat bidang artista. E, may Sakal, Sakali, Saklolo na sila sa Star Cinema, so, ‘yung sa amin baka next year na," kuwento ni Direk Wenn, na ang tinutukoy ay ang project na Mister Housewife.
Tinatapos na rin ni Direk Wenn ang isa pa niyang pelikula under Viva Films, ang Four In One starring Rufa Mae, Pokwang, Candy Pangilinan, at Eugene Domingo. Natapos na niyang i-shoot ang mga eksena sa Hong Kong ng apat na artista niiya bilang mga domestic helpers.
After this movie, hinahanda na ni Direk Wenn ang launching movie ng "lucky charm" niya na si Eugene bilang matandang dalaga na may titulong Demetria.
By November, balik Star Cinema si Direk Wenn. Masaya niyang ibinalita na okay na ulit sila ng Star Cinema. Ipinatawag siya ng managing director ng film arm ng ABS-CBN na si Ms. Malou Santos. Hindi itinanggi ni Direk Wenn na nagtampo siya sa Star Cinema pagkatapos ng Ang Cute Ng Ina Mo.
"Nagtampo talaga ako noon," pag-amin niya. "Pero ngayon naayos na. Hindi man nadagdagan ‘yung bonus ko, idinagdag naman nila sa talent fee ko. Kung magkano ‘yung talent fee ko outside Star Cinema, ganun na rin ang rate ko sa kanila."
Gagawin na ni Direk Wenn ang long-overdue na sequel sa monster hit na Ang Tanging Ina nila ni Ai-Ai na pinamagatang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ayaw munang i-reveal ni Direk Wenn kung bakit ganito ang titulo ng sequel nila. Magsisimula raw sila ng shooting ni Ai-Ai sa Star Cinema right after ng Pasukob.
Mamayang gabi ay matatapos ang isa sa dalawang teleserye ni Direk Wenn sa ABS-CBN, ang Walang Kapalit nina Piolo Pascual at Claudine Barretto. Pero hindi pa man nagtatapos ang Walang Kapalit ay naplantsa na ang usapan sa panibagong programa na gagawin niya for ABS-CBN.
"It's another fantaserye at isang remake ulit. Mas bongga sa Kokey. Gagawin namin ni Ai-Ai ang Volta: The Series sa ABS-CBN," kuwento ni Direk Wenn.
On September 15 ay magse-celebrate ng kanyang birthday si Direk Wenn. Wish niya ay kumita ang lahat pelikula niya sa mga sinehan.
Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=313959
Tuesday, November 25, 2008
Wenn Deramas: Busiest director in town
Tagged:
2009 Philippine Box-office,
ABS-CBN Movies,
Ai-Ai de las Alas,
Director Wenn Deramas,
Filipino Movie Reviews,
Filipino Movie Trailers,
Filipino Movies,
Judy Ann Santos,
OctoArts Films,
Philippine Box Office Movies,
Philippine Movie News,
Philippine Movie Portol,
Pinoy Movies,
Rufa Mae Quinto,
Ryan Agoncillo,
Viva Films
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Disclaimer
This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.
No comments:
Post a Comment