MMFF 2011 Movie Entries

Latest 2011 Tagalog Movie Reviews

Filipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Filipino Box Office MoviesFilipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Tagalog Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies

Tuesday, November 25, 2008

Star Cinema's A MOTHER'S STORY: Vilma Santos, John Lloyd Cruz & Luis Manzano


Vilma Santos doubly excited to start her comeback film because of son Luis

Natuloy na rin sa wakas ang story conference ng pinakaaabangang comeback film ni Governor Vilma Santos sa Star Cinema, ang A Mother's Story (working title). Ginanap ito noong November 18 sa opisina ng film arm ng ABS-CBN.

Makakasama ni Vilma sa A Mother's Story ang kanyang panganay na anak na si Luis Manzano at si John Lloyd Cruz. Ito ay ididirek ni Olivia Lamasan na matagal ding hindi gumawa ng pelikula; ang huli niya ay ang Milan noong 2004.

Pagkatapos ng story conference ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vilma. Aminado ang actress-politician na ang schedule at posisyon niya bilang governor ng Batangas ang rason kung bakit hindi agad nasimulan ang comeback movie niyang ito sa Star Cinema. Ang huling pelikulang ginawa ni Vilma ang ay Mano Po 3 ng Regal Entertainment noong 2004.

"Yung pagpaplano ng pelikulang ito," umpisa ni Vilma, "si John Lloyd pa lang ang sure na makakasama ko. Dapat ito, the other year pa nasimulan na namin. But fortunately, I won as governor at that time. Humingi lang muna ako ng kaunting bakasyon kasi wala pa akong isang taon na gobernador. I guess, yun muna ang priority ko, at naintindihan naman ni John Lloyd yun.

"Sa ngayon, well implemented na yung mga proyketo ko sa Batangas at pinayagan na ako ng mga constituents ko. I'm so excited—very, very excited to do a movie, after almost I think magpa-five years na yata after akong makagawa ng pelikula. Buhay ko na ito, hinahanap ko pa rin ito. So you can't imagine yung excitement na gawin ko ito, plus the fact na yung anak ko pa ang gaganap na anak ko."

Aminado si Vilma na isa sa sobrang nagbigay ng excitement sa kanya ay puro first time niyang makakatrabaho ang mga taong makakasama niya sa nasabing pelikula—her son Luis, John Loyd, and Direk Olive.

"When I've learned na tatanggapin ni Lucky yung role, sabi ko sa sarili ko, ‘Ano pa ang hahanapin ko?' For a comeback movie after five years, I have a best actor and box-office king here. First time ko ring makakatrabaho si Direk Olive, then gagawin pa sa New York. I think we will give a very, very good movie by next year, so sana abangan nila."

Ang istorya ng A Mother's Story ay tungkol sa relasyon ng isang ina (Vilma) sa kanyang anak na lalake (Luis) at sa gay lover ng kanyang anak na gagampanan naman ni John Lloyd.

"This is something new!" excited na sabi ni Vilma. "And yung character na gagampanan ko, sa tinagal-tagal ko na sa showbiz, hindi ko pa nagawa itong character ko sa movie na ito. This is not purely drama, this is a comedy-drama. But yung pagiging comedy niya is ibang klase, hindi kami slapsticks dito. Saka ito yung pelikula na mayroon talagang puso."

Inaasahan na sa isang pelikula na may gay theme ay magkaroon ng love scene o kissing scene. Ano ang magiging reaksiyon ni Vilma pag nalaman niyang merong mga ganitong eksena ang kanyang anak na si Luis kay John Lloyd?

"As I've said, professional ang gagawin naming attack dito. With the team na ganito, everything will be done in good taste and in a professional way," sagot ng multi-awarded actress.

May tips or techniques ba siyang ituturo sa mga makakasama niya sa A Mother's Story?

"Magagaling ang mga artistang ito," sabi ni Vilma. "Bayaan mong ilabas nila ang kanilang style. It doesn't mean na porke't nanalo na ako ng awards, parang ganun na ako kagaling, it's a nonstop learning process.

"In any movie that I do, iba nang iba ang attack mo dun. Hindi ibig sabihin na magaling ka sa nakaraan mong proyekto ay magaling ka na dito. Each one of us may kanya-kanya atake ng role. Bayaan mong i-deliver nila yun. Now, pag humingi sila ng tulong, that's the time na puwede akong magsabi. Hindi ko puwedeng pakialamanan ang style ng iba."

Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=373349

No comments:

Related Posts with Thumbnails

Blog Disclaimer

This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.

Recent Readers