Tuesday, November 25, 2008
Luis Manzano finally gets to experience working with mom Vilma Santos in a movie
Sa past interviews kay Luis Manzano, naging vocal ang TV host-actor na hindi siya handa sa kissing scene kung saka-sakaling tanggapin niya ang pelikulang pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz at ng inang si Governor Vilma Santos. Pero tinanggap na nga ni Luis ang proyekto at magsisimula na silang mag-shooting.
Ang nababalitang kissing scene ba nila ni John Lloyd ang isa sa rason kung bakit natagalan siyang umoo para gawin ang proyketong ito?
"Yung intial confirmation kasi na ibinigay sa akin, puro word of mouth lang," sabi ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi sa wala akong tiwala, definitely hindi. Pero siyempre, bilang artist, iba yung may nababasa ka na, yung mas naiintindihan mo yung atake na gusto nila, yung nakikita at magagawa mo para sa role na yun.
"After nung ipakita na akin yung script, when we sat down, nung unang-unang talk namin, everything was luminaw sa akin. Kung sino at ano ang character ko, kung ano ang mga gusto nilang makita sa akin, mula kay Lloydie, sa Mommy ko... Dun ako napa-oo sa project na ito.
"Regarding that kissing scene," patuloy niya, "we're not getting any younger. Kung anuman ang kailangan namin para sa kung anuman ang karakter namin para mabuo yung istorya, yun ang gagawin namin. Matatalino naman ang mga Filipino, maiintindihan nila kung ano ang nangyayari sa isang istorya."
Luis also expressed his excitement dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho niya sa isang proyekto ang ina.
"I'm very, very hapy dahil safe to say, ako yung naging final link para mabuo talaga yung project," sabi ni Luis. "Kumbaga, hinintay talaga ako ng Star Cinema to say yes. That's one factor na kailangan talaga naming ayusin ni Lloydie, yung sked and, of course, definitely we'll find our ways, Star Cinema will find the way.
"Ako, especially on my part, for 27 years, nakilala ko ang Vilma Santos bilang mommy ko. Nakikita ko siyang nagta-taebo sa sala, nagbibigay ng baon bago ako pumasok, pinapagalitan ako pag may ginawa akong kalokohan. And for the first time in my life, makikilala at makakasama ko siya bilang Vilma Santos na aktres."
Aminado rin si Luis na nandun ang pressure sa kanya dahil bukod sa kilalang mahusay na aktres ang ina, wala ring kuwestiyon sa kakayahan naman ni John Lloyd bilang aktor.
"I've mentioned in countless interviews, I've get to work with John Lloyd... Nakakasama ko siya sa ASAP, sa hosting, sa mga production numbers. Pero I still believe the Lloydie as an acting genius. Nandun yung pressure, but it's a pressure na wine-welcome ko sa buhay ko ‘cause I will grow as an artist. I'm very, very happy na tuloy na ito," pahayag ni Luis.
Just like John Loyd, isa sa preparation na gagawin ni Luis para magampanan ang sensitibong role bilang gay ay ang pag-aaral sa kilos at pananalita ng mga gays na nakakasalamuha niya.
"Well, being in the industry, all we have to is observe. That is the basic step na puwede kong gawin dahil sa industriyang ito, karamihan sa mga nakakasalamuha natin, yung mga nakapaikot sa atin, are homosexuals. Magkakaiba lang ng levels. ‘Ika nga, it's up to Direk Olive [Lamasan], to us, na hanapin yung tamang timpla, kung gaano kami ka-gay base sa characters namin," sabi ni Luis bilang pangwakas.
Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=373349
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Disclaimer
This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.
No comments:
Post a Comment