MMFF 2011 Movie Entries

Latest 2011 Tagalog Movie Reviews

Filipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Filipino Box Office MoviesFilipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Tagalog Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies

Sunday, December 7, 2008

Star Cinema's "You Change My Life in a Moment" (AVSL Sequel)


Direk Cathy Garcia-Molina talks about A Very Special Love 2

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo will soon return to the big screen via the sequel to the very successful movie A Very Special Love (AVSL) under Star Cinema. Nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na makausap ang director ng box-office hit na ito na si Cathy Garcia-Molina at binahagi niya sa amin ang ilan sa mga detalye at concept ng post-valentines movie offering ng Star Cinema.

"When we were thinking of the new concept, the mandate of management was to have a similar feel. Siyempre ang expectations mo, mapantayan or malampasan, laging ganoon e. E kung same feel, baka mahirapan kami. So I'd rather na dugtungan siya. Kami ni Tita Malou (Santos, Managing Director of Star Cinema), we were in one in thinking na ang daming possibilities kung sila na. I think its exciting to see kung paano maging mag-lovers itong sina Miggie and Lyda," paliwanag ni Direk Cathy.

Dagdag pa niya, "Practically, since it's a part two, it's a take-off nung mga characters nila noong una. So dito, they are in a relationship na already. They ended part one na naging sila, so we're opening the sequel na sila na."

Aminado si Direk Cathy na medyo kinakabahan na sila kung tatanggapin pa ba ng publiko ang tandem nila Lloydy at Sarah kung medyo matatagalan pa ang pagpapalabas ng kanilang sequel, at nasagot ang kanilang mga pagdududa nang makapanood si Direk Cathy ng concert ni Sarah Geronimo noong November 8.

"Nakakatuwa. Whatever doubts na meron kami, because some say na baka matagal bago sumunod kasi this will air last week of February, baka nakalimutan na yung AVSL Part 1. But with the concert (of Sarah last November 8 at the Araneta Coliseum where she and John Lloyd sang "A Very Special Love"), nabuhayan kami kasi hindi pa namamatay yung kanta sa audience," kuwento ng batikang direktor.

Expected na tatabo na naman sa takilya ang proyektong ito ni Direk Cathy na very humble naman sa pagtanggap sa titulong "box-office director" of her generation. "I don’t know how to react, of course ‘thank you.’ Para kasing ‘pag tinanggap mo nang buong-buo some would say… kasi I've been hearing things na malaki na raw ulo ko. I think inevitable naman na bansagan ako ng ganun. Ayaw ko sanang palakihin at I'd like to believe na hindi pa. ‘Pag hindi ko namang tinanggap it's like saying ‘no’ naman to a grace from God na I'm so blessed na all my films have been supported at tinangkilik ng mga manunuod. Ako all I do now, all I can promise is that in every film that I do, I try to give something new, I try to give my best, kasi yun lang naman ang kaya kong ibigay e, to entertain people," pagtatapos ni Direk.

Target ng Star Cinema na simulan ang shooting ng AVSL Part 2 sa November 27 or 29. Nabalitaan din namin na "You Changed My Life in a Moment" ang magiging theme song ng sequel na ito. Natuwa din kami nang ibalita sa amin ni Direk Cathy na hindi nila tatapatan ang valentine movie ni KC Concepcion bilang pag-rerespeto at pagmamahal ng Star Cinema sa anak ng megastar Sharon Cuneta.

1 comment:

manlalakbay said...

Thanks for the information. I will definitely watch this movie (AVSL 2). ^__^

Related Posts with Thumbnails

Blog Disclaimer

This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.

Recent Readers