MMFF 2011 Movie Entries

Latest 2011 Tagalog Movie Reviews

Filipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Filipino Box Office MoviesFilipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Tagalog Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies

Sunday, December 7, 2008

"Magkaibigan" director dares viewers to watch his film without crying



Pagkatapos ng Katas ng Saudi na entry ng Maverick Films sa 2007 Metro Manila Film Festival, nakatanggap si Sen. Jinggoy Estrada ng three best actor awards, first sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Fest, second sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press, Inc. at ang pinakahuli, sa FAMAS. Wala pala siyang balak noon na gumawa muli ng movie para sa 2008 MMFF dahil busy siya sa public service as one of the 24 Senators of the Philippine Senate.

Pero nang pumanaw ang best friend niyang si Rudy Fernandez, nakaisip siyang gumawa ng isang pelikula bilang tribute dito. Hindi ito true-to-life story ni Rudy, kundi ibi-based lamang sa buhay nito, pero ang bibigyang-halaga ay ang friendship na namagitan sa kanila simula pa noon hanggang sa pumanaw ito, na ang "true friendship is forever." Muli niyang kinausap si Direk Joey Reyes para siyang sumulat ng script at magdirek ng movie na ang title nga ay
Magkaibigan.

"Nagulat nga ako nang nagsu-shooting na kami na halos lahat ng dialogue sa story ay parang siyang tunay na mga usapang namagitan sa amin ni Rudy, hindi naman kami nag-usap ni direk Joey," medyo misty-eyed si Sen. Jinggoy nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kahit paano, hindi na ako kailangang mag-isip kung ano ang emotion na ipu-portray ko, kasi ganoon talaga ang nangyari. Mas nahihirapan ako kapag dumadalaw sa set si Lorna [Tolentino], dahil sariwa pa sa amin ang mga huling araw ni Daboy. Noong last shooting day nga namin na death scene ang kinunan, hindi iyon tinapos ni Lorna, masakit sa kanya, bumabalik ang alaala sa final hour ni Rudy."

Si Direk Joey naman ang kinausap ng PEP, sinabi namin sa kanya na nagulat si Sen. Jinggoy sa takbo ng story at sa mga dialogues na parang totoong-totoo.

"Ngayon ko lamang ito ikukuwento," sabi ni Direk Joey. "After kong gawin ang Katas ng Saudi last year, kinausap ako ni Rudy. Gusto pa raw niyang makagawa ng isang movie bago siya mawala. Tinanong ko siya kung ano ang story na gusto niyang isulat ko. Gusto raw niya story of a dying man. Umoo lamang ako sa kanya, pero hindi ko talaga nagawa ang script na iyon, hindi ko alam kung paano ko gagawin, hanggang sa naging serious na nga ang kalagayan niya.

"May friend akong doctor sa hospital kung saan siya naka-confine at bago lumabas sa hospital si Rudy, tinawagan ako ng doctor-friend ko at sinabi niyang kung gusto ko raw dalawin si Rudy dahil nag-decide na ang mga doctors niya at si Lorna na ilabas na ito at sa bahay na lamang nila pupunta ang doctors niya. That time, ginagawa ko na ang script ng Magkaibigan.

"Wala ako sa bedside niya nang pumanaw siya, hindi ko alam kung ano ang mga last words na sinabi ni Rudy, kung ano ang sinabi ng mga kaibigan niyang sina Sen. Jinggoy, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador, kaya hindi ko rin alam kung bakit iyon ang mga dialogues na sinulat ko na sinabi ni Christopher de Leon sa kanyang death scene, like iyong "hirap na hirap na ako, pagod na pagod na ako." Siguro, dahil may mga friends din akong nagkaroon ng Big C at ang huli ko ngang nadalaw din noon, si Direk Khryss Adalia. Nakita ko kung paano rin siya naghirap bago siya pumanaw."

Thankful si Direk Joey sa magandang cast ng movie, sina Boyet, Dawn Zulueta at Maricel Laxa na dati na rin niyang naidirek noon. Kumusta naman si Boyet sa role niya as Atoy?

"Tinanong nga niya ako kung ano raw ang acting na gusto kong gawin niya," kuwento pa ni Direk Joey. "Gusto ko na mag-underplay siya at iyon din ang sinabi ko kina Sen. Jinggoy, Dawn at Maricel, ayaw ko nang umaarte sila, na huwag nila akong bigyan ng TV soap opera. Si Sen. Jinggoy, sa death scene, sabi ko sa kanya, gusto ko tahimik lamang siya. Sinabi ko rin sa kanilang ayaw ko nang umiiyak sila sa eksena, let the moviegoers cry in their scenes. Mahirap, pero iyon lamang ang maganda sa mga real actors, nagagawa nila kung ano ang gusto ng director. Pero pagkatapos ng eksena, lahat umiiyak, kasama na rin ako.

"Kaya I dare the moviegoers to go out the theater without crying," dagdag pa ni Direk Joey.

SYNOPSIS
Since their childhood days, Atoy (Christopher de Leon) and Ruben (Sen. Jinggoy Estrada) were the closest of friends. It was not surprising that they remained the best of friends even decades later when Atoy and Ruben had their own families. Atoy became a successful businessman, married to the beautiful Tere (Dawn Zulueta) and with two children, Jonie (AJ Perez) and Katrina (Empress Shuck). Ruben, the more proud and headstrong of the two, found a wife in Eden (Maricel Laxa), with two sons Benjie (Ryan Julio) and Dodie (Justine Plummer).

The relationship between Atoy and Ruben remained the same through the years. Despite their closeness, Atoy was literally Ruben's kuya, going out of his way to take care of Ruben whenever he found himself in trouble or even giving him a sense of control. Even the wives and their children knew about this: the two families were so intertwined that they were closer than their real relatives.

But the true test of this friendship came when Atoy was suddenly diagnosed with pancreatic cancer.

Ruben summoned all their friends (Tirso Cruz III and Bobby Andrews), to rally behind Atoy in order to provide him with the strength to fight the deadly disease. Benjie witnessed his father in his most private moments, wrestling with the emotional struggles in order to remain strong for his bestfriend as well as assure Atoy's family that he will be there for them regardless of what happened.

As Atoy underwent treatment, he sometimes obtained false hopes that he will be well only to be further disappointed by his physical regression. Ruben became his caregiver and major moral support. Ruben went through his own personal hell as he felt so helpless watching his best friend slowly die. His wife, Eden, tried to understand this male bonding and the strength this provided both families.

The theme song of the movie is "Kaibigan" written by first Pinoy Dream Academy scholar Davey Langit with musical supervision by Monet Silvestre.

Source: http://www.pep.ph/guide/3039/Magkaibigan-director-dares-viewers-to-watch-his-film-without-crying

No comments:

Related Posts with Thumbnails

Blog Disclaimer

This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.

Recent Readers