Thursday, October 23, 2008
Zanjoe Marudo’s indie film "Altar" opens on Oct 29
Isang suspense-drama ang kauna-unahang independent-film na ginawa at pinagbidahan ni Zanjoe Marudo, ang Altar. Sa ilalim ng direksyon at panulat ito ni Rico Maria Ilarde noong 2007 pero magkakaroon ito ng theatrical release sa IndieSine, Robinsons Galleria from October 29-November 4, 2008.
Zanjoe plays the role of Anton, isang boxer na aksidenteng napatay niya sa ring ang kanyang kalaban sa U.S. Nang magbalik siya sa Pilipinas, wala na siyang bahay at trabaho. Doon naman siya ini-hired ng mysterious foreman na si Erning, along with Lope (played by Nor Domingo) upang mag-renovate ng bahay na puwede ng mapagkamalang haunted house.
Dito na nila nadiskubre ang isang lihim na altar na nagtataglay rin ng kakaibang lihim at misteryo.
Ayon kay Zanjoe, ang director nila na si Direk Rico Ilarde, son of Eddie Ilarde, ang siya raw nagga-guide sa kanya with his character dahil towards the end, medyo naging dark rin ito.
"Si Direk Rico, siya ang tumutulong sa akin. Ini-explain niya sa akin ang bawat eksena. So, hindi ko alam kung nagampanan ko ba ng tama o ano," plaiwanag ni Zanjoe sa ginanap na press conference ng Cinema One para sa Altar.
Hindi kontrabida si Zanjoe sa Altar, contrary sa impression ng ilan sa kanyang role. In fact, ayon nga kay Zanjoe, bida na may pagka-hero ang dating ng kanyang character.
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe kung ano ang mga experiences na hindi niya makakalimutan while doing Altar?
"Unang-una, ‘yung makatapos ako ng isang full-length film in eight days, ‘yun pa lang, hindi ko na makakalimutan yun, eh. Isang camera lang ang ginagamit. At saka, yung lahat-lahat halos...iba kapag indie film. Iba lahat. Mararamdaman mo yung paggawa talaga ng pelikula.
"Hindi ka ituturing na parang artista rito, lahat kayo, tulong-tulong."
Kung si Zanjoe raw ang masusunod, type raw niyang masundan pa ang nagawa niyang Altar ng iba pang mga indie films na matsa-challenge pa siya ng husto.
"Oo, gusto ko ng isa pang magandang movie na gagawin ko ulit. Kasi, medyo matagal na rin kasi itong natapos kaya gusto kong iba naman."
Dapat abangan ang magiging ending ng Altar na para sa amin ay hindi ordinaryong napapanood sa karamihang suspense-drama. Ang Altar ay bahagi ng 2007 Cinema One Originals at pagmamay-ari ng Creative Programs Incorporated. Aside from Zanjoe and Nor, kasama rin sa movie sina Dimples Romana, Dido dela Paz, at Kristalyn Engle.
Si Direk Ilarde naman ay masasabing nahasa ang directing skills sa pamamagitan ng television drama anthology ng kanyang ama noong araw. Nakagawa na rin siya ng mga movies tulad ng Dugo Ng Birhen (1999), Sa Ilalim ng Cogon (2006) at ang "Aquarium" segment sa Shake, Rattle and Roll 2k5 (2005).
Last year, marami rin nominasyon na natanggap ang Altar at nagwagi ito ng Best Music for Malek Lopez sa Cinema One Originals. Naging entry rin ito sa 2008 Vancouver Film Festival at Udine Far East Film Festival sa Italy.
Source: http://www.pep.ph/guide/2794/Zanjoe-Marudo%E2%80%99s-indie-film-Altar-opens-on-Oct-29
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Disclaimer
This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.
No comments:
Post a Comment