MMFF 2011 Movie Entries

Latest 2011 Tagalog Movie Reviews

Filipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Filipino Box Office MoviesFilipino Box Office Movies Filipino Box Office Movies Tagalog Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies Original Philippine Movies

Monday, December 29, 2008

Joel Lamangan is new director of Richard-KC movie under GMA Films

Pagkatapos ng story conference ng upcoming Sine Novela ng GMA 7 na Paano Ba Ang Mangarap? sa 10th floor HRD meeting room ng GMA Network noong December 15, bumaba ng tatlong floors si Direk Joel Lamangan, sa 7th floor office ng GMA Films. Ito ay para naman sa meeting niya sa producers ng second movie nina Richard Concepcion at KC Concepcion.

Nag-resign na nga si Direk Joey sa project "due to creative differences" at ang ipinalit sa kanya ay si Direk Joel.

Nasa nasabing meeting sina Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ng Regal Films, at sina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan para sa GMA Films. Present din ang dalawang bida sa pelikula na sina Richard at KC. Kasama ni KC ang kanyang manager na si Shirley Kwan.

Napagkasunduan nang si Direk Joel ang magdidirek ng pangalawang pagsasama nina Richard at KC sa pelikula, at gagamitin din ang original script ni Aloy Adlawan. Aayusin na lang ang schedule ni Direk Joel dahil nakatakda siyang magsimula ng taping para sa Paano Ba Ang Mangarap?, na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, sa December 19.

Naka-set naman na kunan ang ilang mga eksena ng pelikula mula December 18 hanggang 22, bago mag-resume ng shooting ng next year para umabot sa Valentine playdate nito next year.

Si Direk Joel ang direktor ng Deathrow, starring Eddie Garcia and Cogie Domingo, bago nag-revamp at nag-produce muli ang GMA Films sa pamamagitan ng unang Valentine movie ni Richard na Let The Love Begin, kasama si Angel Locsin.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roselle, na nakausap namin sa ground floor ng GMA 7, at pati na rin si Aloy, na kasama naman namin sa meeting ng Paano Ba Ang Mangarap?, kung ano na ang final title ng pelikula nina Richard at KC. Magkaiba pa rin ang sagot nila.

Ang alam ni Roselle, When I Met You (ito ang pinapatugtog na background music noong araw na pumirma si KC sa GMA Films). Si Aloy naman, ang alam niya pa lang ay ang working title ng kanyang original script, With A Smile, na dapat ay original theme song pala ng pelikula mula sa Eraserheads.

Source: http://www.gmanews.tv/story/139642/Joel-Lamangan-is-new-director-of-Richard-KC-movie-under-GMA-Films

No comments:

Related Posts with Thumbnails

Blog Disclaimer

This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.

Recent Readers