Kinilalang isa sa most popular at trend-setting sitcom in the history of Philippine television ang Iskul Bukol from 1978 to 1987, sa Channel 13, na tampok sina Tito at Vic Sotto at si Joey de Leon. Whenever Iskul Bukol is mentioned, maiisip mo agad ang Wanbol University at ang mga sikat na characters sa university, there is Victor Ungasis, the good-looking, kind and brainy teacher's pet, Tito and Joey Escalera were the class bullies na laging inaasar sina Vic at si Miss Tapia [Mely Tagasa], the university's resident professor na may crush kay Joey. Nandoon din si Mang Temi, Tonette Macho, Richie d'Horsie, Bibeth Orteza at iba pang characters ng sitcom.
SYNOPSIS
Twenty years after, Vic Ungasis is now an excellent History professor at Wanbol University and has also successfully ventured in the field of archeology. Natagpuan niya ang Kali of Humabon na siyang nagbukas ng mystery, at hinahanap naman niya ang Kampilan ni Lapu-Lapu at gusto niyang mai-display na magkasama ang dalawang war relics. Ang Kampilan ay nasa pag-aari ni Shimata, a wealthy Japanese national whose main interest is the Peseta, na kasama ng Kampilan. Sinasabing ang Peseta ay isa na lamang sa natitirang 30 pieces of Judas' silver which will give immortality sa sinumang makakakuha nito. Unfortunately, nawawala ang Peseta nang makuha ni Vic ang Kampilan sa kailaliman ng tubig.
May nakasulat sa Kampilan at sa Kali na nagtuturo kung saan matatagpuan ang Peseta. Ninakaw ni Shimata ang Kali, pero hindi naman niya maintindihan kung ano ang nakasulat sa Kali. Nagpunta si Vic for a speaking engagement in Cambodia, madi-discover niya ang sekreto na kakabit ng mystery, nang makilala niya ang uncle and nephew na sina Samnang at Woog na hina-hunting ng mga tauhan ni Shimata. May kinalaman kaya ang paghahanap sa kanila sa Alibata inscription na nasa puwit ni Woog na kapareho ng inscription sa ninakaw na Kali? At bakit nagtatago rin sina Tito at Joey kay Shimata? At paano mai-involved ang buong barkada sa exciting but dangerous search for the all-powerful Peseta?
Ito ang synopsis ng Iskul Bukol: 20 Years After na first time na isasalin sa movie. Produced by OctoArts Films ni Orly Ilacad, M-Zet TV Productions ni Vic at APT Entertainment ni Tony Tuviera at official entry nila sa 2008 Metro Manila Film Festival starting December 25, sa direksyon ito ng box-office director na si Tony Y. Reyes. Nakausap ng PEP si Vic Sotto sa presscon nito sa Marina Grill & Restaurant along Timog Avenue. Na-maintain ba nila ang dating cast ng TV sitcom sa movie?
"Oh, yes," sagot ni Vic. "Mahal namin ang pelikulang ito at para maisama ulit namin ang dating cast, piniyansahan ko si Richie d'Horsie para makalabas ng kulungan at makapag-shooting. Apat na taon na siyang nakakulong at si Richie ang isa sa sikat na character noon kaya dapat naroon pa rin siya after 20 years.
"Pero siyempre, may mga bago kaming characters dito. Si Ryan [Agoncillo], matagal na niyang gustong makasama sa anumang pelikula ko, dapat doon pa sa Dobol Trobol pero hindi naman siya available noon, kaya dito ko siya isinama. Siya at ang batang si Robert Villar, iyong sidekick ni Marian Rivera sa Dyesebel, ang kasama kong nag-shooting sa Cambodia, si Ryan si Samnang at si Robert si Woog, para maging realistic ang lahat, dito rin namin ipinasok ang special effects na alam kong magugustuhan ng mga batang manonood. Natuwa nga ako na tamang-tamang kagagaling lamang ni Ryan sa Argentina, saka naman kami umalis for Cambodia at sumama pa sa amin si Judy Ann [Santos]. Kaya enjoy pa rin kami kahit pa mahirap din ang mga eksenang ginawa namin doon.
"Narito pa rin si Miss Tapia, si Jimmy Santos as Big J, Bibeth, si Anthony Roquel, a changed Tonette Macho, at mga bagong members ng cast sina Carlene Aguilar na introducing sa movie, Francine Prieto, with our sons, Gian, Oyo Boy Sotto and Keempee [de Leon], Ciara Sotoo, ang EB Babes, Benjie Paras, Jose Manalo at Hong Kong action star Jacky Woo, who plays Shimato.
"At maraming salamat kay Sharon Cuneta na pumayag mag-guest sa movie. Para kasi sa amin, hindi rin mabubuo ng movie kung wala siya dahil siya si Sharon Escalera, ang younger sister nina Tito at Joey Escalera."
For four years na sumali sa festival si Vic as Enteng Kabisote, bakit pinagpahinga niya ang character ni Enteng at sa halip, ang Iskul Bukol ang ginawa niya?
"Naisip din kasi namin na timely ang paggawa namin nito sa movie, dahil kahit madalas pa rin naming marinig kantahin ang theme song ng Iskul Bukol, hindi na rin ito kilala ng generation ngayon, kaya gusto naman naming patunayan na kahit sa now generation, tatanggapin pa rin nila ang Iskul Bukol. Kaya ngayon pa lamang, gusto na naming magpasalamat sa lahat ng mga manonood ng aming pelikula simula sa December 25."
Iskul Bukol:20 Years After Confirmed Casts
* Tito Sotto as Tito Escalera
* Vic Sotto as Vic Ungasis
* Joey de Leon as Joey Escalera
* Mely Tagasa as Miss Tapia
* Ryan Agoncillo as Cambodian Tour Guide
* Keempee de Leon as Joey Escalera's Son
* Pauleen Luna
* Mark Herras
* Dennis Trillo
* Gian Sotto as Tito Escalera's Son
* Oyo Sotto as Vic Ungasis' Son
* Jimmy Santos as Big J
* Jose Manalo
* Anthony Roquel as Tonette Macho
* Francine Prieto
* Gardo Versoza
* Bianca King
* Jong Hilario
* Krista Ranillo
* Benjie Paras
* Joko Diaz
* Nicole Uysusieng
* Mykah
* Val Sotto
* Richie D'Horsie as Richie
* Kaye Torres
* Robert Villar
* Redford White as Redford
* Bibeth Orteza as Bibeth
* Carlene Aguilar as Vic Ungasis's love interest
* Wally Bayola
* Joonee Gamboa
* Jackie Woo
* Derek Dee
* Leo Martinez
* Levi Ignacio
* Mary Massab
* EB Babes
* Ethel Booba
* Raphael Martinez
* Boy Roque
* JB Magsaysay
* Danny Labra
Special Participation in the Movie
* Sharon Cuneta as Sharon Escalera
* Sen. Bong Revilla
* Manny Pacquiao
* Lorna Tolentino
* Annabelle Rama
* Robin Padilla
Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=351943&page=8
Wednesday, December 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Disclaimer
This is a personal blog that aims to share online information about latest and upcoming movies in the Philippine Cinemas. This blog is a collaborative effort of individuals who are currently registered members of other online community sites. The does not claim any form of ownership or copyright in the materials found in this blog. Most of the contents featured in this blog come from other sites. The said materials are owned by those sites where these resources are posted. However,should they disagree of being a source they can always notify us to remove their contents from showing in this blog.
No comments:
Post a Comment