
May unofficial Korean version na ang original composition ni Ogie Alcasid na “Pangako.”
Ang pirated Korean version ng Pangako ni Ogie ay may pamagat na “For Your Love” at inawit ng Korean singer na si Jang Hye Jin.
Usually kapag bahagi lamang ng isang awit ang katunog ng bagong kanta, hindi na ito nahahabol ng original composer. Subalit ang melody ng diumano’y Korean version ng Pangako ay buong-buo ang pagkakatulad sa original song na inawit ni Regine Velasquez mula stanza hanggang chorus.
Ano kaya ang magiging hakbang dito ni Ogie Alcasid na ngayon ay pangulo na ng OPM?
Pakinggan ang Korean Version ng Pangako:
Source: Starmometer.com
No comments:
Post a Comment